Pormal na kinilala kamakailan ng Embahada ng Pilipinas, sa pamamagitan ni Cultural Affairs Attache Carmelita R. Hidalgo, ang Pinoy Netters Club 102 bilang lehitimong tennis organization sa Riyadh, Saudi Arabia.
Sa panunumpa sa tungkulin ng mga opisyal ng PNC noong Hunyo 24 sa White Palace Hotel, pinapurihan din ni Hidalgo ang lahat ng miyembro ng PNC dahil sa pagsisikap ng mga ito na matamo ang mga adhikain ng nasabing tennis circle.
Mula nang itatag noong Oktubre 18, 2002, walong (8) tournaments na ang nagawa ng PNC, kabilang ang paligsahan lamang ng mga miyembro ng PNC. Gayundin, bilang natatanging layunin ng Club, nakapagkaloob na ito ng mahigit sa USD 1,000 (pinansiyal at mga bagay) sa Bantay Bata 163. Nakapagbigay din ng tulong pinansyal ang PNC sa ilang distressed OFWs sa mga nakalipas na buwan.
Kabilang sa mga pet projects ng PNC ay ang Kusang Palo at “Reaching Out for the Love of Children”, kung saan kusang loob na nagbibigay ng donasyon ang mga tenista at mga kaibigan nilang nanonood ng opening at awarding ceremonies para sa kapakinabangan ng mga mahihirap na batang kinakalinga ng BB 163 sa Pilipinas.
Ang mga nanumpa sa tungkulin bilang mga opisyal at kasapi ng PNC para sa taong 2004 hanggang 2005 ay ang mga sumusunod: Albin Guinto, Chairman; Felisardo Gumapac, President; Gem Beringuel, Vice President ((Internal); Ramon Nonato Adrineda, Vice President (External); Danilo Bueta, Treasurer; Ernan Santiago, Director, Finance; Rey Sanchez, Deputy Director, Finance; Rolly Mariano, Director, Tournament; Rey Lamban, Deputy Director, Training & Development; Abelardo Bagay, Director, Logistics; Frank Villahermosa, Director, Social Services; Rico Rana, Deputy Director, Social Services; Vic Capulong, Director, PR & Publications; at Max Lopez, Deputy Director, PR & Publications.
Ang iba pang mga tenista na nanumpa ay sina Edwin Sajonia, BOD; Benrulph Corvera, Reynaldo Lamban, Bernardino Ustani, Richard Villanueva, Raffy Sta. Ana, Reynaldo Esteban, Rey Tolentino, Ferdinand Severino, Virgilio Rubio, Doloroso Adalim, Alejandrio dela Cruz, Noli Villasis & Rey Mantua, mga kasapi.
Friday, July 30, 2004
Friday, July 09, 2004
PINOY NETTERS CLUB 102 VISIT BANTAY BATA CHILDREN'S VILLAGE
The Pinoy Netters Club 102 extended its support to Bantay Bata 163 by donating US$ 329 and by visiting the Children's Village in Norzagaray, Bulacan. Just recently, Pinoy Netters Club representatives, led by Founding Chairman Albin Guinto and President Sarge Gumapac, conducted a joint visit with Bicolanos Tennis Association & Aficionados in Riyadh (BTAAR) delegates to the Children's Village and shared a part of their quality time with the children by playing and interacting with the children.
Subscribe to:
Posts (Atom)